Kay sarap ng may minamahal
Ang daigdig ay may kulay at buhay
At kahit na may pagkukulang ka
Isang halik mo lang limot ko na

Kay sarap ng may minamahal
Asahan mong pag_ibig ko’y tunay
Ang nais ko’y laging kapiling ka
Alam mo bang tanging ligaya ka

Sa tuwina’y naaalala ka
Sa pangarap laging kasama ka
Ikaw ang alaala sa `king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba…

…kung sakaling mabasa mo ito, gusto kong malaman mo na sa tinagal tagal ng pagsasama natin, ang pagmamahal ko sa iyo kailanma’y hindi nagmaliw! Hindi ako perpekto pero andiyan ka, tinanggap mo ako at minahal, sa hirap at ginhawa, sa lungkot at ligaya, anuman ang mangyari alam kong nandiyan ka! Mahigit sampung taon na mula nang gawin nating iisa ang ating kaluluwa, marami na ang nabago. Dalawa ang naging bunga. Parehas na bibingka mo ang minana! Puwede bang humirit ng isa? Kung maari e yung may lawit din katulad ko para kahit paano may kakampi naman ako!

Nakita ko na ang lahat-lahat sa iyo at alam kong di ka rin perpekto, subalit hindi yun ang sukatan para mabawasan ang isinumpa kong pagmamahal na ibibigay sa iyo! Kahit na tumaba ka na ng 50 kilos at nagkaroon ng salbabida sa katawan, di katulad noon na pangkama ang wankata mo, mahal pa rin kita! Kahit na nabawasan na ang ‘femininity’ mo dahil umuutot ka na sa tabi ko, di katulad noon na iniisip ko pa kung umuutot ka ba o hindi, mahal pa rin kita! Kahit na mas madalas na ang paglalaba ko kaysa sa iyo, mahal pa rin kita! Kahit na pinagbabawalan mo na akong magbasa ng Tiktik, Bulgar, Playboy, Toro, Torero at mga porn magasin, mahal pa rin kita! Kahit na sinasabihan mo na akong ‘botyog’, mahal pa rin kita! Kahit na pinapansin mo na ang dami ng puting buhok sa ulo ko(indirect way of saying ‘matanda ka’), mahal pa rin kita! Kahit na sinasabihan mo ako na pangit ang gupit ko(another indirect way of saying, ‘ampangit mo’) mahal pa rin kita! Kahit na ganito ka matulog…

untitled2.jpg

…mahal pa rin kita! At higit sa lahat, kahit na every 3 months mo na lang ako pinagbibigyan sa kaisa-isang bisyo ko(na ewan kumbakit ‘di ko kayang tanggalin) , ang mayesyesyoww ka, mahal pa rin kita!

Your loving kayesyesyow!

dengoy batotoy

Ps.

Kapag nabasa mo ito, sana maantig ang puk puso mo at mapagbigyan mo ako mamayang gabi!