Mama, si Papi o nakatingin sa babae! Hoy baka mabali ‘yang leeg mo! Kung saan saan ka nakatingin, manyak!
Likas na yata sa babae ang pagiging selosa. Yun bang kahit wala kang ginagawa e para bang lahat na lang ng kilos mo e iimbestigahan niya. Kunsabagay, mahirap din kasi ang may history ka ng pagiging lapitin ng babae, isama pa diyan ang maging kahawig mo si Tom Cruise, kaya minsan di mo rin masisisi ang mga misis na maghinala. Lalo pa’t mayroon silang sixth sense.
Aminado ako mahilig ako sa magaganda. Kaya nga pinili ko si mrs. dengay(ehem!) Pero hindi ibig sabihin na kapag napalingon o napatingin ako sa iba e ipagpapalit ko na siya! Walang pwedeng pumalit sa kanya sa puso ko. Kailangan pa bang i-memorize yan, ha!?
