Siguro type lang ng bebe ko ang mang-asar ngayon! Sabihin ba namang nung bata raw ako e nahulugan ng langka ang mukha ko. Butas butas kasi! Ok lang, im not ashamed of it. You know why!?…
… at napansin ng panginoon na nalulungkot ang nag iisang tigyawat sa mukha ni dengoy kaya naisip nya na gumawa ng makakasama nito’ at sa pamamagitan ng pawis at alikabok nilikha ang isa pang tigyawat at inilagay nya yun sa may noo ni dengoy…
Panginoon: “tigyawat sa pisngi tinatanggap mo ba ang tigyawat sa noo na maging iyong kaisang dibdib?”
tigyawat1: “opo, panginoon”
Panginoon: “ikaw naman tigyawat sa noo tinatanggap mo ba ang tigyawat sa pisngi bilang iyong asawa, sa hirap man o ginhawa?”
tigyawat2: “taos puso po, panginoon.”
Panginoon:” kung ganun sa ngalan ko, ikaw tigyawat sa noo at ikaw tigyawat sa pisngi ay idinideklara ko bilang ganap ng mag asawa… HUMAYO KAYO AT MAGPARAMI!“
…now you know.
Moral: Its not good being alone, the more the merrier!