Ewan ko ba bakit gumawa ako ng sarili kong blog. Wala naman akong alam sa pagsusulat. Kung ideya lang din naman ang pag-uusapan e lalong walang laman ang utak ko. Basta nanggaya na lang ako sa mga nababasa kong mga blogs na wala namang kalatoy-latoy…walang ibang posting kundi ano lang ang lumabas sa imahinasyon ng blogger. Siguro dahil sa wala akong magawa sa buhay kaya eto, nakikiuso kahit lipas na ako sa panahon(sisenta anyos na ako) Basta pagbigyan na lang ninyo ako sa panggagaya ko at baka sakaling magkalaman din ang utak ko ng kahit ano…