Oktubre 2007


“13 days after Pacquiao’s victory against Eric Morales, the Wowowie Stampede that killed 66 people happened. That’s on February 04, 2006.”

“13 days after Pacquiao’s victory against Oscar Larios on July 2, 2006, the Mayon Volcano erupted and many died in the mudflow.”

“13 days after Pacquiao’s victory against Antonio Barrera, the Glorietta 2 explosion occurred that killed 11 innocent people and left 119 others injured.”

Coincidence or bad omen!? :evil:

Ako ang taong madaling patawanin. Napagkakamalan nga akong baliw minsan kasi pag nakakaalala ako ng mga bagay na nakakatawa, ayun hahagalpak na lang ako bigla! May mga compilation nga ako ng mga jokes na hindi ko pinagsasawaang basain pag nababato ako. Eto ang mga ilan…

JOKE # 1

Lalaki: Parati na lang tayo away, maghiwalay na lang tayo!

Babae: Sige! Maghati tayo ng anak!

Lalaki: Akin ang mga guapo at maganda!

Babae: Sus!!! Pinili pa yung hindi kanya!

JOKE # 2

Babae: Lolokohin ko asawa ko, magpapanggap akong pokpok at aabangan ko siya sa kanto

…nag-antay ang babae sa kanto makaraan ang ilang minuto, dumaan ang asawa…

Babae: Psst! Pogi! Goodtime tayo

Lalaki: Ayoko sa iyo, kamukha mo asawa ko!

JOKE #3

Babae: Iiwan na kita! Wala kang kuwentang asawa!

Lalaki: Sige, pag iniwan mo ako maglalaslas ako!

Babae: Gago! Magpatuli nga takot ka, maglaslas pa!? Supooot!

JOKE #4

Babae: Tama na yang kakainom mo ng beer. Magastos!

Lalaki: Mas magastos nga yang make-up mo!

Babae: Nagpapaganda nga ako para sa ‘yo!

Lalaki: Ako umiinom para gumanda ka!

JOKE #5

Lalaki: Malamig na sinangag, matabang na kape, maalat na sabaw, paano ba ako gaganahan nito!?

Babae: Maitim na betlog, malambot na tite, malaking tiyan, sa tingin mo ginaganahan ako!?

JOKE #6

Girl: Amputi naman ng bird mo!

Boy: Syempre! likas papaya yata gamit ko diyan!

Girl: Ginagamitan mo rin ba ng downy?

Boy: Bakit? Mabango ba?

Girl: Lambot e!!!

JOKE #7

Apo: Lolo bakit nakalipstick ka?

Lolo: Ay! Gagang lola mo, di sinabing may regla siya!

JOKE #8

Lola: Hon, parang nag-iinit ako?

Lolo: Talagang mag-iinit ka! Nakasawsaw yang suso mo sa kape!

JOKE #9

Lolang may kanser: Dok, anong gagawin niyo sa akin?

Doktor: I-ke-chemo lola!

Lolang may kanser: Titi mo rin ! bastos ka!

JOKE #10

Juan: Pedro, bakit ang pandak mo?

Pedro: Kasi bata pa lang ako, ulila na ako!

Juan: E ano naman ang koneksiyon nun sa pagiging pandak mo?

Pedro: Walang nagpalaki sa akin!

…to be continued!

Almost 50% of my teachers when i was in elementary were addressed as ‘Miss’/'Missed’. Either they were not the marrying-type or were just afraid to take a step closer to tying the knot. I am inclined to believe the latter as the likely culprit coz they are not as bad looking as they terrorized us back then. Siguro takot silang baka ganito ang mapangasawa nila…

wek.jpg505839536_8d937dbdf9.jpguntitled1.jpghairy-back.jpgimage014.jpg314586654_c78d16bf12.jpg

…and last but not the least takot sila sa(click)

Whether we like it or not, nagkakaroon tayo ng mortal enemy or enemies during our lifetime…particularly in the workplace. It’s a known fact that filipinos are emotional, pikon or balat-sibuyas in a more colloquial(tama ba speling?) term.

Minsan nagkwento si mrs. dengay ko tungkol sa isang co-worker niya. Pa-epal daw kasi masyado. Papansin. Kupal. Feeling bosing lagi. Since this pa-epal coworker(lets call her ‘mastuhbeyter’) is a notch higher in rank than my missus, mastuhbeyter gets her way around my bebe sometimes. Laging naghahanap ng butas para sirain ang bebe ko. But my ever efficient bebe walks away with impunity always.

I got to read a part of a book titled, ‘ How to Get Your Way Out of a Bully’ (shhh! binasa ko lang ito sa loob ng National Bookstore ng patago kasi ala ako pambili, hehehe) gusto kung ibahagi sana ang ilang paraan kaya lang mahirap kasing i-transleyt sa pilipino kaya nag-isip ako ng iba(wow,pare hanep!!! ginamit ko isip ko!) Eto ang ilan:

Di-halata:

1. Love your enemy- tuwing lunch, bigyan mo siya, alinman sa mga sumusunod, ng litsong kawali, adobong baboy na lumalangoy sa mantika, tsitsarong bulaklak na namumutiktik sa asin at betsin, krispi pata , sandamukal na hipon…siguradong mamumulubi ka pero ok lang kasi unti-unting mamamatay sa kolesterol ang kinamumuhian mo hehehe!

2. Forgive and forget – offer your enemy something for him/her to think na nakalimutan mo na ang alitan ninyo like cleaning her table and chair. Den maglagay ka ng tamtaks o kaya de-dos na pako sa upuan niya at presto! sabog ang tumbong niya. Pag sinita ka tell the truth,”sorry, i forgot to remove those things when i cleaned your table!” with kunting paiyak- iyak pa kuno…

The ‘forgive‘ part!? Oh, i forgot about that, sorry!

3. Kiss and make-up – Make some outrageous stories up about your enemy katulad ng kung gaano kabaho ang bunganga niya na para bang lumulon ng isang buong etsas at iteks mo sa lahat ng kakilala mo. Next morning pag nagkita kayo, beso besohin ek-ek mo…taragis ka nakaganti na ako sa iyo! Ampangit mo!!!o di ba bongga!

Obvious Ways:

1. Saksakin mo sa mata

2. Hagisan mo ng granada

3. Kung may sasakyan ka, sagasaan mo habang naglalakad

…there are a thousand ways to kill a cat ‘ika nga! Nakakainis kasi minsan, yun bang bagong gising ka sa umaga feeling refreshed at bagong goli tapos maiisip mo makikita mo uli ang public enemy #1 mo pagpasok mo pa lang sa opisina, haynaku…sarap batukan!

But what else can we do? andiyan na yan e! Hindi naman puedeng mag-resign ka sa trabaho mo at maghanap ng iba, hirap yata humanap ng regular job ngayon. Isipin mo na lang na kung ang pagiging ‘emotional’, pikon at ‘balat-sibuyas’ ng mga pinoy ay negatibong pag-uugali, meron din namang magaganda tulad ng pagiging mapagtimpi, at mapang-unawa.

…so you better not pout, better not cry coz im telling you why!

Have sex and be merry!!!

_703023_kids3001.jpgHabang nagba browse ako aksidenteng nakita ko ang larawang ito ng mga bata. Mga inosente. Walang muwang sa nangyayari sa kanilang paligid. ‘Di alintana ang hirap ng buhay. Kaysarap isiping minsa’y naging bata ako, malaya, makulit…higit sa lahat, sa isang iyak lang e nakukuha na ang gusto.

Sana maging bata uli ako. Andami kasing mga bagay ang nararanasan at nakikita ko ngayong matanda na ako ang ikinukumpara ko sa mga karanasan ko noong bata ako. Ilan sa mga ito ang sumusunod:

1.Noon, ako ang nanghihingi ng baon; ngayon naman ako ang hinihingan(kahirap palang mag-isip kung saan kukuha ng ibibigay na baon sa anak samantalang noon iiyak lang ako e bigay agad ang limampiso may kasama pang pang-uuto lambing)

2.Noon, pinatutulog ako ng tanghali para lumaki raw agad ako pero tumatakas ako dahil mas gusto kong maglaro kaysa matulog; ngayon, kahit gusto kong matulog ng tanghali e hindi puede kasi walang kakainin ‘pag nagkataon.

3. Noon, pag pinabili ako ng magulang ko at may sukli siguradong sa akin na ito; ngayon pag may pinabibili sa akin ang bebe ko malamang sa hindi, abunado pa ako

4. Noon, malaya ako sa paliligo sa ulan ng hubo’t-hubad; ngayon pag ginawa ko ‘yun, kundi bagansiya ang abot ko e iisiping maniac o kaya baliw ako.

5. Kapag bata ka at gumawa ka ng kalokohan, ang sasabihin ng tao, “Bata pa kasi kaya ganyan!”. E bakit ngayong matanda na ako at gumawa ako ng kabulastugan ang sinasabi ganito: “Antanda mo na ganyan ka pa rin, di ka ba nahihiya!”

6. Pag bata ka at sundutin mo ang tumbong ng katabi mong batang babae ang panakot sa iyo isusumbong ka sa nanay niya; ngayong matanda ka subukang sundutin ang puwet ng katabi mong babae, yari ka!

…marami pa sana akong gustong idagdag kaso ito pa yata ang isang epekto ng pagtanda, ang pagiging antukin! Baka gusto ninyong dagdagan ang post kong ito, be my guest!

fir tje min tyn plam muna alo sa inu, bukazzzzzzzzzzzzzzz…nngggorrrrkkkk…..zzzzzzzzzzzzzzzz

Ewan ko ba bakit gumawa ako ng sarili kong blog. Wala naman akong alam sa pagsusulat. Kung ideya lang din naman ang pag-uusapan e lalong walang laman ang utak ko. Basta nanggaya na lang ako sa mga nababasa kong mga blogs na wala namang kalatoy-latoy…walang ibang posting kundi ano lang ang lumabas sa imahinasyon ng blogger. Siguro dahil sa wala akong magawa sa buhay kaya eto, nakikiuso kahit lipas na ako sa panahon(sisenta anyos na ako) Basta pagbigyan na lang ninyo ako sa panggagaya ko at baka sakaling magkalaman din ang utak ko ng kahit ano…